Nalalapit nanaman ang Eleksyon, nakakatuwang isipin na maraming tao ang gustong kumandidato at gustong maupo sa posisyon, maraming nagnanais na mabago ang sistema sa gobyerno sa sarili nilang mga ideya at sa kanilang sariling mga paraan.
Pero bakit ganun?! bakit ganun na lang ang pagnanais nilang makamit ang isang posisyon?
bakit sila naguunahang ikampanya ang sarili nila sa tao? bakit nila gustong maupo pa para sa inaasam nilang pagbabago?
Hindi ba't maaari namang makamit ang pagbabago kahit wala ka sa POSISYON?! hindi ba't kung ikaw sa sarili mo alam na may magagawa ka para sa bayan ay hindi na kinakailangan ng posisyon para lang gawin iyon. Marami namang paraan, pero hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ayon lang ang nakikita ng mga taong yun para mabago ang naghihirap at lugmok nating bayan.
Ako, bilang isang kabataan, kahit hindi pa ko botante sa darating na eleksyon, naniniwala na hindi mo kailangan ng posisyon upang makamit mo ang gusto mong pagbabago. Ikaw lang mismo sa sarili mo ay may magagawa para mabago ang mga nakikita mong mali sa bayan mo. Ikaw mismo sa sarili mong paraan ay maraming magagawa.
POSISYON? hindi mo na kailangan yan, mahirap pumasok sa isang POSISYON at subukang lutasin ang kinahaharap na problema kung ang tao mismong iyong masasakupan ay HINDI marunong MAGBAGO para sa bayan, kung ang tao mismo sa bayang ito ay hindi naman kumikilos para makamit ang gusto nila. kung ang tao mismong humihingi ng pagbabago ay kailanman hindi magtitiwala sa iba, o maging sa sarili nila.
Lahat tayo may magagawa, Lahat tayo ay maaaring maging Alitaptap ng kinabukasan.
Lahat tayo ay dapat kumilos. Lahat tayo ay dapat magbago.
DAPAT NATING MAHALIN ANG NAGHIHIRAP NA BAYANG ITO.
No comments:
Post a Comment