1. Inaaway mo ba yung guard sa gate?
---> Bakit ko naman aawayin? Nananahimik ung tao? Ska may dalang baril yun. haha!
Ska binabati ako ni Manong Arlene (real name) pagpasok ko ng skul. Close kame. LOL!
2. Lage ka bang nale-late?
---> Di ako nale-late dati nung may service pa akong ubod ng aga kung sunduin ako sa bahay. Pero nung nagco-commute na ako... ayun... LATE pero minsan lang.
3. Complete uniform ka ba lage?
---> Mahilig kc akong magsuot ng black socks sa skul... eh dpat wyt socks lang kaya madalas incomplete ako.
4. Sumusunod ka ba lage sa mga school rules?
---> Rules about uniform... di msyado.
---> Ung ibang rules kc... di ko alam. Di naman ako ngbabasa ng Student Handbook. haha!
5. Kumakanta ka ba ng Pambansang Awit at School Hymn?
---> Kumakanta naman. Dpende sa mood kung malakas o mahina ung boses ko.
6. Active ka ba sa klase?
--->Uhm... cguro. Class President ako eh.
7. Do you miss ur skul?
---> Miss naman khit papano. Pero ayaw ko nang pumunta msyado kc puro bago na ung mga teachers sa faculty.
8. Nakikipagdaldalan ka ba habang nagle-lesson ung teacher?
---> Kpag Trigo??? Legal atang makipagdaldalan dun eh. (peace)
9. Hina-harass mo ba ang mga teacher nio?
---> haha! NAMAN! Helow Maam Ivy! XP
10. May napaiyak na ba kaung teacher?
---> Every year? haha!
a. Maam Trinidad- MAPEH teacher nung 1st year
(confidential... haha! Paliitan ng sulat issue nila Ger at Bogz)
b. Sir Malabayabas- BIO teacher nung 2nd year
(eto naman in a gud way, umiyak cia kc aalis na cia skul at mami-miss nia kame.. aww!)
c. Ung teacher nmen sa History nung 3rd year... i forgot her name.
(sinadya kc nameng mag-Holy Rosary pagdating nia para maubos oras, ayun nainsulto.)
d. Nung 4th year, meron ba? di ko na maalala eh.
11. Immature moments nung hayskul?
---> haha! Tangna! Mag-backout with matching mad expression palabas ng room kc di nakikipag-participate sa meeting ang mga mgagaling kong mga kaklase.
12. Greatest achievements?
---> maging highest sa exams at quiz. haha!
---> ung report namen ni Martin about ATHEISM. Ang taas ng bigay ni Sir Vinz na grade samen, mas mataas pa kay DaryL. LOL! Kame ata highest sa lahat ng nagreport.
---> magchampion sa badminton-singles nung Intrams. Saka maka-3rd place sa badminton-doubles (w/ Xtian) sa private skul competition.
13. Gumagawa ka ba ng assignments o kopya lang?
---> Kpag Physics, nangongopya ako/kame. (ung ipapasa sa 1/4 bago mg-flag ceremony)
---> At anumang may kaugnayan sa NUMBERS! haha!
14. Kumakain ka ba tuwing break?
---> Nakikiburaot lang sa mga klasm8 na may dalang pgkain sa rum. Nakakatamad kcng bumaba mula 3rd floor papuntang canteen. haha!
15. Varsity?
---> Sa volleyball lang dpat ako varsity. Eh bigla akong pinasali ni Maam Ivy sa Badminton nung nililibot namen ung Siena nung CSJODEMPRISA. hehe...
16. Favorite part ng campus?
---> KLASRUM cguro... kung saan nangyayari ang lahat2x.
17. Pinakahihintay na event buong skul year?
---> INTRAMS! (payabangan ng mga section. haha!)
---> FIELD TRIP! (Jap shoes! LOL!)
---> XMAS PARTY (bagong damit at sapatos! yahoo!)
---> RECOLLECTION & RETREAT (the best!)
---> BAKASYON! (haha!)
18. Have friends with other years?
---> yup! sina Hawi, Ariel, Ana & company (Glee Club moments!)
19. Nawalan knb ng gamit sa skul?
---> ung golden Buddha ko sa project namen sa TLE na dish garden!
---> ung mga key chain at pin ko na nakasabit sa bag.
---> pati mga tela ko na ginamit ko pang-design sa altar.
20. Fave subject/s?
---> Religion at Filipino (fave ko rin kc mga teacher)
21. Ano ang pinakamahirap na subject mo?
---> basta may involve na MATH. hehe....
22. Natawag mo na bang "Sir" ang Maam nio at "Maam" ang Sir nio?
---> haha! nung COCC... galit na galit mga CAT officers namen.
23. Anu ang pangalan ng eskwelahan mo?
---> School of Our Lady of La Salette a.k.a.
SOLS = walang dating
La Salette = mejo sosyal
24. Public/Private?
--->Private Catholic School. Banal to pre! Gagu ka ba? haha!
25. Memorable activity na pinagawa ng teacher mo sa klase nio?
---> ung YOGA class ni Sister Arlene. haha! Pinapunta kame sa Facsimile at pina-Indian seat kame at pinapikit... (makiisa daw kame sa kalikasan)
26. Saddest experience?
---> kpag BASTED? LOL!
---> kpag may umaalis na teacher lalo na kpag close mo.
27. Hayskul crush?
--->Ana.... un lang. yoko nang dugtungan. haha!
28. In general, masasabe mo ba ng memorable ang naging HAYSKUL LAYF mo?
---> NAMAN!
"Once a Salettinian, Always and forever be a Salettinian."
---> Saka naniniwala ako sa kasabihan na...
"Sa High School mo matatagpuan ang iyong mga tunay na kaibigan."
No comments:
Post a Comment